Lunes, Setyembre 19, 2011

sa katotohanan ba o sa panlilinlang?

Maraming tao lalu na ang mga kabataan ay ginagawang batayan ang kaligayahan at pagkakakilanlan sa bilang at dami ng taong nakikilala, subali't pag nag iisa o nasa tahimik na silid bakit parang may bumabagabag?tila may kulang at may kawalan sa kabila ng nalikhang usapin ,balak,pangako at ingay! Ang paksang ito ay magbubunga ng palaisipan para kilatisin at suriin kung ano ba talaga ang pakay ng bawat taong nakakaharap mo.Ang may katapatan sa kabutihan ba o ang may pagtingin sa maraming pakinabang lang ba? o di ba nakaka aliw silang kilalanin!